Si bla bla marami na kaming pinagdaanan ng babaeng ‘to. Simula nung 1st year high school palang magkakalase na kami at ni isang taon ay di ko pinagsisihan dahil unti-unti kong natututnan sa kanya ang tunay na kahulugan ng salitang kaibigan.
Sa umpisa, magkaaway kami niyan. Walang araw noon na ‘di kami nagtatalo dahil sa hindi pagkakaunawaan. Kahit simpleng pangalan lang ng Brad o kasing komlikado ng naging problema namin noong 3rd year high school kami ay siguradong pagtatalunan pa namin. Ngunit sa paglipas ng taon at sa pagkawala naming itinuring na mga kaibigan at nagkapanatagan kami ng loob at simula noon ay naging matalik na kaming magkaibigan. Sabi nga, “Friendship is born at that moment when one person says to another, ‘what?!You too? I thought I was the only one!’”
Sabi nila, sa high school mo raw malalaman kung sinu-sino ang tunay mong mga kaibigan o SINO ang TUNAY mong KAIBIGAN. Marami akong nakasama’t nakasalimuha nang ako’y tumungtong sa high school. Lahat sila iba-iba ang pag-uugali’t pananalita. Mayroon akong nakasamang madikit sa kalokohan. Mayroon naming bata kung mag-isip. Pero, alam niyo kung kanino pa rin ako bumabalik? Tama… kay bla bla Sa kanya ko kasi naramdaman ang pagpapahalaga, pag-aalala, at pagmamahal ng isang kaibigan khit madalang sya umuwi ay na aalala ko puntahan sa bahay na magaaya mg libot...