
Heto ako tulala na naman
Laging nag-iisip, laging nag-aabang
Di mapigilan ang patak ng luha
Di malaman kung ano ang dahilan
Ang kirot sa dibdib na pabalik-balik
Lagi nalang itong paulit-ulit
Kailan pa kaya malunasan ang hapdi
Na dulot nitong bigo kung pag-ibig
Kailan pa kaya itong magbago
Sa kabiguan sana malayo
Ng mabawasan ang hapdi at kirot
Nitong aking pusong nagdurugo
O Pag-ibig sana pag-bigyan
Makatagpo sa akin ay magmahal
Ng maibsan ang aking kalungkutan
At lumigaya ng walang hanggan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento